Friday , November 15 2024
Leila de Lima

Ekonomiyang sadsad, buhay ng tao sabay sagipin – De Lima

IMINUNGKAHI ni reelectionist Senator Leila de Lima sa papasok na bagong administrasyon, kasunod ng pagrerekober ng ating ekonomiya ay dapat matiyak na ligtas ang bawat buhay ng mamamayang Filipino lalo sa pagharap sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ayon kay De Lima, panahon na para tulungan ang mga negosyo na makaalpas sa pandemyang kinaharap ng ating bansa.

“This means ensuring that the testing, tracing, and control of infection must remain in the government program for the foreseeable future until the WHO has declared this pandemic under control,” ani De Lima.

Payo ni De Lima, dapat dinmaipagpatuloy ang kasunduan sa iba’t ibang kompanya ng gamot at pamahalaan para matiyak na tuloy-tuloy ang magiging suplay ng bakuna na panlaban sa CoVid-19.

“By instituting permanent protocols that would control the spread of the CoVid-19 virus, we could allow businesses to operate at full or near-full capacity,” ani De Lima.

Sinabi ni De Lima, dapat din makaisip ang susunod na administrasyon ng panibagong pagkakakitaan upang mabawasan ang pagkakautang ng bansa.

Malaki ang inilobo ng utang ng pamahalaan para matugunan ang krisis sa panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

“No family should go hungry just because they were prevented to go to work because of CoVid-19. The poorest sectors in our society should be given the necessary assistance to survive the economic impact of the pandemic and recover to become contributing members of our society,” ani De Lima.

“Ang tunay na pag-unlad ay iyong walang naisasantabi, napapabayaan o iniiwanan, kaya dapat itaguyod ang isang ekonomiyang walang iwanan,” pagtatapos ni de Lima. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …