Friday , May 9 2025
ping lacson

P915-M gastos sa ads pinabulaanan ni Ping

“IMPOSIBLENG gumastos kami ng halagang wala naman sa amin.”

Ito ang tahasang sinabi ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson kasunod ang lumabas na ulat na gumastos sila ng P915 milyon sa kanyang ads.

Ayon kay Lacson, ang naturang ulat ay mariin niyang pinabubulaanan lalo na’t ang halaga ay hindi naiisip kung saan sila kukuha.

“I asked my campaign team, volunteers and supporters about this. They insisted that they never saw, much less had this much money. No way we could have spent what we didn’t have. I asked them to check again – same answer,” ani Lacson.

Batay sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) umaabot sa P915 milyon ang halagang nagastos ni Lacson sa kanyang media ads noong 2021.

Ayon sa PCIJ, ang mga numero na kanilang iniulat ay base sa halaga na nakasaad sa published rate cards bago pa man bigyan ng diskuwento ang campaign team ni Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …