Saturday , November 16 2024
Byahe ni Kiko Pangilinan

Solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain tampok sa “Byahe ni Kiko”

TATAMPOK sa “Biyahe ni Kiko” ang solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain.

Ito ang tahasang sinabi ni vice presidential aspirant Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, ito ay may temang “Hello Pagkain, Goodbye Gutom” upang sa ganoon ay magkaroon ng pag-asa ang mga mamamayan.

Iginiit ni Pangilinan, dapat matiyak na mayroong pagkain sa bawat plato ng bawat mamamayng Filipino.

“Food is an encompassing concern. It can be a hunger and poverty issue, an economic issue, an animal welfare issue, a labor issue, an environmental issue, a farming issue, a health issue, a trade issue,” ani Pangilinan.

Tinukoy ni Pangilinan ang kanyang biyahe ay pagkakataon kaya habang kumakampanya siya sa pagka-bise presidente ay kanyang isusulong ang napakahalagang usapin ng gutom at kahirapan na dapat pinag-uusapan.

Ipinunto ni Pangilinan bilang isang farmer, hindi lamang puro sa kandidato nakatutok ang kampanya kundi sa agenda na matiyak na magkakaroon ng sapat na pagkain ang bawat mamamayang Filipino.

Ang “Biyahe ni Kiko” na mga sasakyan ay lilibot sa sa iba’t ibang lugar sa Filipinas para ipaabot sa bawat mamamayan ang kanyang plataporma de gobyerno ganoon din ang usapin ng pagkain.

Iginiit ni Pangilinan, dapat wakasan ang taggutom sa ating bayan.

“Mag-i-import tayo ng galunggong, hindi natin alam na ‘yung mga aangkatin natin ay balikbayan na mga isda rin, isda ng ating mga karagatan ‘yun, mga dayuhan lang ang nanghuli,” dagdag ni Pangilinan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …