IPANLALABAN ng Team Philippines ang kombinasyon ng kabataan at karanasan sa binubuong 15-man Philippine Karate Team na ilalarga sa 31st Southeast Asian Games sa 12-23 Mayo 2022 sa Hanoi, Vietnam.
Sinabi ni Philippine Karate Sports Federation Inc., president Richard Lim, bukod sa panlabang sina Manila SEA Games champion Jamie Lim at Junna Yukiie, tatlo pang kabataang Filipino-Japanese na nakabase sa Tokyo at Osaka ang iniensayo ng asosasyon para makasama sa koponan na target mabura ang dalawang ginto, isang silver, at 9 na bronze medal na nakamit ng Karatekas may dalawang taon na ang nakalilipas.
“Right now we’re in full blast as far as training and preparation for the coming SEA Games is concerned. Junna (Tsukii) and three other fellows Japanese-based Fil-Am are currently training in Osaka and Tokyo. They’re coming to Manila this month to join the team in ‘bubble’ training in Baguio training camp,” pahayag ni Lim sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom noong nakaraang Huwebes.
“We’re still evaluating the composition of the whole team. The 15-man line-up (pitong babae at walong lalaki) ito ‘yung approved sa amin ng SEAG federation. But meron pa kaming 5 slots sa Team B na part ng ‘have money, will travel’ na approved ng POC. We’re still until March 30 for the final submission ng entry by names,” sambit ni Lim sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR.
Sinabi ni Lim, sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na line-up ang koponan, ngunit bahagi ng pagbabasehan sa pagpili ang nakalipas na panalo ng mga atleta sa nakalipas na mga torneo, gayondin sa kalalabasan ng nakatakdang pagsabak ng koponan sa Turkey training camp at tournament, isang buwan bago ang SEA Games.
Ang dalawang pambato ng bansa na sina Lim at Yukii ay kapwa nagwagi ng silver medal sa women’s Kumite 61 kgs. at 50 kgs. sa Asian Karate Championship nitong Disyembre sa Almaty, Kazakhstan.
Humirit ng dalawang bronze sa Kata ang 19-anyos Fil-Jap na si Sakura Alforte at isang bronze ang isa pang Fil-Jap na si Remon Misu. Ang isa pang Fil-Jap na posibleng makasama sa RP Team ay si Sarah Pangilinan.
“Before the Vietnam SEAG, we’re planning to join the Turkey camp and tournament. Nakalulungkot lang at limitado ang budget ngayon ng PSC para sa SEA Games but we’re looking for sponsorship from the private sector. Hopefully, maayos namin at matuloy kami, malaking bagay itong training camp,” sabi ni Lim.
Iginiit ni Jamie, anak ng basketball legend na si Samboy, na lubhang napakahalaga para sa atleta at sa koponan sa kabuuan ang makapagsanay at makalahok sa international tournament.
“Excited, grabe ‘yung experience namin after the 2019 SEA Games. Very important para sa amin. But right now, focus kami at todo ang ensayo namin dito sa ‘bubble.’ Mentally, prepared na kami and we’re hoping to play well in the SEAG,” sambit ng 21-anyos Mathematics major cum laude sa University of the Philippines at World No.27 sa kanyang division.
Para kay Yukii, ang mabigyan ng karagdagang karangalan ang Filipinas ang kanyang adhikain sa buhay mula nang bitiwan ang Japanese Team at katawanin ang bansa sa iba’t ibang international meet.
“Right now, I’m focusing on improving my strategy. Mentally preparedness is very important for us,” dagdag ng 30-anyos elementary teacher sa Tokyo.
“My dream is to play on the world stage, in the Olympics. It was a dream come true when I was invited by the International Karate Federation to join the World stage this coming July,” ayon kay Yukii kasalukuyang World No.4 sa kanyang division.
Ikinalugod din ni Lim na bukod sa tagumpay ng local karatekas sa international stage, umukit ng kasaysayan ang PH coach na si Chino Veguillas matapos makapasa at unang Pinoy sa International karate referee full licensed at full coach licensed sa World Karate Federation.