Tuesday , December 24 2024
Math Science Teacher Student

Excellence in Teacher Education Act ratipikado sa Senado

NIRATIPIKAHAN ng Senado ang Excellence in Teacher Education Act, ang panukalang batas na mag-aangat ng kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa.

Para kay Senador Win Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang tugunan ang krisis sa sektor ng edukasyon.

Niresolba ng Bicameral conference committee ang mga pagkakaiba ng Senate Bill No. 2152 at House Bill No. 10301.

Layunin ng mga panukalang batas, na patatagin ang Teacher Education Council (TEC) at paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Professional Regulation Commission (PRC).

Sa ilalim ng panukala, ang TEC ang magtatakda ng basic requirements para sa mga teacher-education programs.

Ito ay upang matiyak ang matibay at malinaw na ugnayan sa pagitan ng outcomes ng teacher-education programs, professional standards para sa mga guro at school leaders, pananaliksik, at international best practices.

Titiyakin ng TEC ang kalidad ng basic requirements na ito, ang pagsunod ng Teacher Education Institutions (TEIs), at ang pagpapatupad ng CHED sa requirements nito.

Bagama’t unang nilikha ang TEC sa bisa ng Republic Act No. 7784, desmayado si Gatchalian sa mga resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) sa mga nagdaang taon.

Mula 2010 hanggang 2021, wala pang 40 (36) porsiyento ng mga kumuha ng LET para sa secondary education ang nakapasa, samantala wala pang 30 (28) porsiyento ang nakapasa para sa elementarya.

Kung susuriin ang resulta ng LET noong 2019 para sa elementary at high school, tinatayang halos apat sa limang TEIs ang itinuturing na worse or poor performers.

Ibig sabihin, wala pa sa 50 porsiyento o kalahati ng graduates ng mga paaralan ang nakapasa.

“Upang maiangat natin ang kalidad ng edukasyong natatanggap ng ating mga kabataan, kailangan tiyakin din nating dekalidad ang edukasyon at training ng kanilang mga guro. Sa pamamagitan ng pagpapatatag sa Teacher Education Council, matitiyak nating lubos na mahahasa ang kakayahan ng ating mga guro sa bawat yugto ng kanilang pagsasanay at edukasyon,” ani Gatchalian, pangunahing may-akda at sponsor ng panukalang batas. 

Magiging mandato ng TEC ang pagbuo ng roadmap para sa teacher education na magsisilbing gabay sa pagdisenyo ng mga angkop, makabago o moderno, at malikhaing mga programa. Ang naturang roadmap ay isusumite sa CHED upang maging bahagi ng National Higher Education Roadmap.

Pinasalamatan din ni Gatchalian ang mga co-author at co-sponsor ng panukalang batas: sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senate President Pro Tempore Ralph Recto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …