Saturday , November 16 2024
gun dead

Batilyo tinaniman ng bala sa ulo

PATAY ang isang batilyo sa isang tama ng bala ng baril sa ulo nang matagpuan sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Navotas City.

Patay agad ang biktimang kinilalang si Ron Dionisio, 38 anyos, residente sa Galicia St., Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang Navotas Police upang matukoy kung sino ang suspek.

Batay sa ulat sa opisina ni Navotas City Police Col Dexter Ollaging, dakong 7:00 am kamakalawa nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng inuupahan nitong bahay.

Nadiskubre ang bangkay ng kanyang kaibigan na si Rex Dionisio, 42 anyos, construction worker, sa ikatlong palapag ng inuupahan niyang bahay.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay Col. Ollaging, nakatanggap si Rex, residente sa Galicia St., ng impormasyon na dinukot umano ng limang hindi kilalang kalalakihan ang biktima.

Agad nagtungo ang saksi sa bahay ng kanyang kaibigan ngunit wala siyang nakitang kakaiba sa lugar kaya’t tumuloy siya sa ikatlong palapag ng bahay at laking gulat niya nang makita ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Humingi ng tulong ang saksi sa mga opisyal ng Barangay Bangkulasi na sila namang nag-ulat ng insidente sa pulisya.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga opisyal ng Brgy. Bangkulasi at mga may-ari ng mga kalapit na establisimiyento na mayroong access sa footage ng close circuit television (CCTV) camera na naka-install sa lugar na maaaring nakunan ang mga suspek habang naglalakad o umaalis sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …