Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De Guzman ng Cainta, Rizal, at International Master Cris Ramayrat, Jr., ng Pasig City sa pagtulak ng virtual Sen. Koko Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament na susulong sa 21 Enero 2022, 7:00 pm, ilalarga sa Lichess Platform.

Lalahok din sa prestihi­yosong torneo sina Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ng Bacoor City, Cavite; Woman Fide Master Allaney Jia Doroy ng Quezon City; at Woman Fide Master Cherry Ann Mejia ng Taguig City.

Sasali sina National Master Mario Mangubat ng Cebu City, National Master Glennen Artuz ng Naga City, at National Master Ronald Llavanes ng Angeles City, Pampanga.

Ang torneo ay may layuning panatilihing maging aktibo ang mga Filipino chess players sa panahon ng pandemya, ayon kay Sen. Aquilino Martin “Koko” de la Llana Pimentel III, dating  top player ng Cagayan de Oro City chess team na magdiriwang ng kanyang ika-58 kaarawan sa 20 Enero.

Sinabi ni  International Arbiter at National Master Elias Lao, Jr., ipatutupad ang time control format 5 minutes plus 3 seconds increment via 9 Rounds Swiss System sa 1-day Free Registration online tournament.

Kakabig ang magka­kampeon ng P8,000 habang ang second placer ay magsusubi ng P4,000 at ang third placer ay mag-uuwi ng tig P3,000.

Pagkakalooban  ng cash prize ang fourth hanggang eight places ng tig P1,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …