Friday , April 18 2025
Senate Philippines

Simula ngayong araw
TOTAL LOCKDOWN SA SENATE BUILDING

SIMULA 10 Enero 2022, isasailalim sa total lock­down ang mismong gusali ng senado, kaya na­ngangahulugang ‘walang pasok’ ang mga empleya­do mula ngayong araw hanggang 16 Enero 2022.

Ang kautusan na ipasara ang gusali ng senado ay mula kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos mabataid na 46 emple­yado ang nagpo­sitibo sa CoVid-19 samantala 175 empleyado ang nasa quarantine restrictions.

Mismong ang pamu­nuan ng Senate Medical and Dental Bureau ang nagbigay ng rekomen­dasyon kay Sotto, kaya agad tinugunan. 

Bukod sa pagsasara ng senado, isasailalim ito sa disinfection upang matiyak na walang kontaminasyon ng virus ang loob ng gusali bago tuluyang pabalikin ang mga empleyado.

Inaasahang sa pag­babalik ng sesyon sa 17 Enero 2022, malinis at nabigyan ng sapat na pro­teksiyon ang mga papa­sok lalo ang mga senador na dadalo sa sesyong pisikal.

Bago ito mangyari, binalak ng pamunuan ng senado na ibalik ang regular na pasok dahil sa pagbaba ng bilang CoVid-19 infected ngunit dahil sa panibagong numero at bilang ay nagbago ang lahat.

Pinaalalahanan ni Senate Secretary Atty. Myra Marir Villarica ang lahat ng mga kawani ng senado na papasok  sa Lunes, 17 Enero, ay kailangang sumunod   sa mga safety protocols.

Iginiit ni Villarica, kailangang nakasuot pa rin ng face mask, daraan sa temperature check, mag-alcohol at maghugas ng kamay tuwina at panatilihin ang social distancing.

Binigyang-linaw ni Villarica sa lahat, walang sinoman ang maaaring mangalaga ng kanilang mga sarili kundi ang kanilang sarili rin. 

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …