INIHAYAG ni Manila Water Head of Corporate Communications Dittie Galang, binabantayan nila ang lagay ng Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, dahil hindi nito naabot ang projected ideal level ng tubig. Hindi umano sapat ang naging pag-ulan noong 2021.
Aniya, ang nakuhang supply ng tubig sa Angat Dam ay kukulangin dahil sa patuloy na tumataas na konsumo ng populasyon ng Metro Manila.
Ngunit sinabi ni Galang, pinaghandaan nila ito at ng National Water Resources Board (NWRB).
Samantala, tiwala ang NWRB, kaya ng current level ng Angat Dam na magsuplay ng tubig hanggang dumating ang pag-ulan. (MICKA BAUTISTA)