Friday , November 15 2024
Bulacan DOH

Bilang ng CoVid-19 cases muling tumaas, Bulacan isinailalim sa Alert Level 3

INIULAT ng Provincial Health Office, mula sa bilang na 51 kaso noong nakaraang 27 Disyembre at 80 kaso noong 29 Disyembre, muling tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng CoVid-19 sa 392 nitong Linggo, 2 Enero.

Ayon sa Provincial Health Office, ang kabuuang bilang ng kompirmadong  kaso ng CoVid-19 sa lalawigan ay umabot sa 92,323, may 90,450 nakarekober.

Samantala, walang naiulat na namatay kaya ang kabuuang bilang ng CoVid-19 fatalities sa Bulacan ay nananatili sa 1,481.

Kasunod nito, umapela si Gov. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na mahigpit na sundin ang ipinaiiral na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa lalawigan.

Nagpaalala rin ang gobernador sa mga nasasakupan na palaging magsuot ng facemask at umiwas sa matataong lugar.

Dahil sa muling pagsikad ng bilang ng mga aktibong kaso sa lalawigan, isinailalim ito sa Alert Level 3 ng Inter-Agency Task Force (IATF) simula nitong Miyerkoles, 5 Enero hanggang 15 Ener0. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …