Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen pinaigting,
10 LAW VIOLAT0RS NALAMBAT SA BULACAN

ARESTADO ang 10 katao sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa Bulacan nitong Linggo, 2 Enero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta ang ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Hagonoy MPS sa Brgy. San Isidro, Hagonoy sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Danrey Navarro, residente sa Brgy. Sta. Monica, sa nabanggit na bayan, kung saan narekober sa kanya ang limang pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Gayondin sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Balagtas MPS, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Nelson Terrado, Jobert Caham, at Ronnel Talavera, pawang mga residente sa Brgy. Santol, Balagtas. 

Naaktohan ng nga awtoridad ang mga suspek habang nagtutupada at nakompiska mula sa kanila bilang ebidensiya ang mga manok na panabong na may tari at perang taya sa iba’t ibang denominasy0n.

Samantala, tiklo ang limang suspek na sangkot sa iba’t ibang insidente ng krimen na nirespondehan ng pulisya at mga barangay tanod sa mga bayan ng Baliwag, Hagonoy, Plaridel, at lungsod ng Malolos.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Raffy Del Rosario ng Brgy. Mojon, Malolos, arestado sa kasong Frustrated Homicide; Lilia De Guzman, at Felix Barcelon, kapwa ng Brgy. Bagumbayan South, Navotas, na inarest0 sa kasong Theft (Salisi); Denmark Clemente ng Brgy. Mercado, Hagonoy; at Julie Ann Solis, alyas Jabo, ng Brgy. Banga 2nd, Plaridel, na dinakip sa kas0ng Qualified Theft.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga arestad0ng suspek at haharap sa mga kasong kriminal na isasampa sa korte.

Nasukol sa inilatag na manhunt operations ng tracker team ng Bocaue MPS ang isang wanted person na kinilalang si Joel Santos ng Brgy. Batia, Bocaue, nahaharap sa kas0ng Acts of Lasciviousness, kaugnay ng paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law). 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bocaue MPS ang mga suspek para sa naaangk0p na disp0sisy0n. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …