Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Youtube

YouTube accounts ng mga kandidato okey beripikahin ng Comelec – Ping

APROBADO at nararapat ang gagawing hakbang ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbeberipika ng official YouTube accounts ng mga kandidato para sa 2022 elections, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Aniya, may potensiyal kasi ang social media na magbigay ng maling impormasyon sa publiko lalo na’t hindi ito regulated.

“I couldn’t agree more with the Comelec on this move. The use of social media platforms has almost become the qualifying barometer in educating – but ironically, also disinforming to the point of deceiving – our people,” ani Lacson na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng Partido Reporma.

Para kay Lacson, mas makabubuti rin kung may katulad na hakbang ang paiiralin sa iba pang social media platforms sa lalong madaling panahon o kaya bago pa man magsimula ang kampanya sa February 2022.

Mas makatutulong din aniya ito sa mga botante sa pagdedesisyon sa pagpili ng nararapat na lider sa May 9, 2022.

“Left unchecked, social media could lead to wrong choices of officials who will have the unenviable task of leading our country in its most trying times,” paliwanag ni Lacson. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …