Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores

Rash umamin 13 pa lang pumatol na sa bading

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

WALANG takot na inamin ng baguhang sexy actor na si Rash Flores na isa sa bida ng GL movie na Palitan na idinirehe ni Brillante Mendoza for Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa Disyembre 10 na sa edad na 13 ay pumatol na siya sa bading.

Natawa nga lang siya sa tanong kung ‘tuli’ na siya sa edad niyang iyon dahil nga may nakarelasyon siyang gay.

Ginanap ang pag-amin ni Rash sa face to face mediacon ng Palitan kasama sina Cara Gonzales at direk Brillante sa Wingzone Restaurant sa may Araneta Center, Cubao Quezon City.

Base kasi sa trailer ng Palitan bago ang private screening ay matitindi ang mga eksena na talagang hindi gumamit ng plaster ang apat na bida kasama sina Jela Cuenca at Luis Hontiveros kaya natanong si Rash kung gaano katindi sila sa mga eksenang love scenes.

“Kailangan siya ng story. Kailangan ko talagang maging palaban, so para sa akin, sobrang palaban ang ’Palitan.’

“Ginawa ko lahat. Dahil ako’y baguhang artista, ginabayan ako ni Direk para makuha ko ang eksena na dapat sa story,” saad ng binata.

May swapping of partners sa Palitan, sina Jela at Cara.  Ano ang pananaw ni Rash sa palitan ng partners.

“Sa pagpapalit-palit, natural lang sa atin ‘yun, eh. Kumbaga, sa pelikulang ito, ipinakikita na nagpapalit-palit kami ng partner. In real life, nangyayari siya talaga. So, hindi mo siya talaga maikakaila. So, ang pelikulang ito ay reflection talaga ng totoong buhay,” paliwanag ng binata.

Pero kung kay Rash mangyayari ito sa totoong buhay ay hindi siya pabor. ”Para sa akin, hindi rin, eh. Hindi okay, hindi ko rin gustong makipagpalit ng partner. Kasi, parang ‘pag nakipagpalit ka ng partner, ang pangit tingnan, para sa akin. ‘Pag sinabi mong palit, parang bagay lang iyan, eh. Hindi naman bagay ‘yung ipinagpapalit mo,  siyempre. Tao rin ‘yan. Para sa akin, ang pag-ibig is sagrado. Para na rin siyang kasal, para sa akin. Kaya hindi.”

At dito na inamin ni Rash na nagkaroon siya ng gay lover sa murang edad.

“Kasi nga, laking kalye rin ako. Marami akong friends na gay. May nakarelasyon din ako, once lang. Pero bata pa ako niyon, eh. Parang hindi pa ako mulat sa ano. Siguro, mga 13 ako noon.”

“First time? Actually, hindi ko first time umamin. Inamin ko na yun before sa press. Actually, wala kaming sex, eh. Thirteen years old pa lang kami. Then, nakarelasyon ko lang siya. One month lang kami niyon.

“Actually, nahuli pa nga ako ng nanay ko, naglalakad ako sa daan. ‘O, saan ka galing? Galing ka sa bakla, ‘no?’” lahad ng sexy actor.

Samantala, ginanap ang private screening ng Palitan sa Gateway Mall Cinema 4 na talagang nababagay itong mapanood sa Vivamax dahil kung idadaan sa MTRCB, malamang maraming mapuputol sa mga eksena dahil todo-bigay ang mga bida pagdating sa love scenes na iba-iba ang location at posisyon.

Lalo na ang eksenang nasa banyo ang inupahang babae para sa stag party na pinagsaluhan nina Rash, isa pang guy at ni Luis.

Sinundan din ang nasa falls sila na talagang hubo’t hubad ang apat na bida na nasilipan pa si Luis na hindi rin gumamit ng plaster.

Parang ganito talaga ang estilo ni direk Brillante sa mga pelikula niyang sexy na kailangan isa sa bida ay magpasilip ng kanilang private part tulad ni Coco Martin noong nagsisimula palang siya sa indie film na Masahista.

Anyway, hindi na naisali sa international film festival ang Palitan dahil ayon kay direk Brillante ay kapos na sa oras.

Kung humahamig sa Vivamax ang Mahjong Nights, tiyak na susunod ang Palitan dahil walang pasintabi ang hubaran dito at sex ng mga bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …