Saturday , November 16 2024

Kilabot na holdaper tiklo sa ‘Oplan Sita’

NAGWAKAS ang maliliga­yang araw ng isang kilabot na holdaper nang masabat at maaresto ng mga awtori­dad sa Oplan Sita sa Brgy. Bigte, bayan ng Norza­ga­ray, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Cresenciano Corde­ro, acting chief of police ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Donald Tayao, residente sa Brgy. Minuyan, sa lungsod ng San Jose del Monte, ng nabanggit na lalawigan.

Nadakip si Tayao ng mga tauhan ng Norzagaray MPS at mga barangay sa inilatag na Oplan Sita habang gumagala upang muling mambiktima sa Brgy. Bigte, sa naturang bayan, kamakawala ng gabi.

Nakompiska mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang itim na laruang baril na nakasukbit sa baywang na ginagamit sa pangho­holdap, at motorsiklo.

Itinuro si Tayao na responsable sa sunod-sunod na panghoholdap sa Brgy. Bigte, at mara­ming reklamong nakarating sa tanggapan ng Norza­garay MPS kaya naglatag ng Oplan Sita na nag­resulta sa pagkaaresto sa suspek.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …