Wednesday , December 18 2024
Kiko Pangilinan

Kiko suportado ng professionals

NAGPAHAYAG ng buong suporta sa kandidatura ni vice presidential aspirant senador Francis “Kiko” Pangilinan ang iba’t ibang grupo ng mga professional.

Ito ang bunga ng dalawang araw na caravan ng  Team Robredo-Pangili­nan (TROPA) sa Iloilo City na kanilang inikot ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Larry Firmeza, miyembro ng  Ilonggo Lawyers for Leni, gagawin ng kanilang grupo ang lahat upang matiyak ang panalo nina Robredo at Pangilinan.

“We, Ilonggo Lawyers for Leni, have already started our Facebook page. But in the succeeding months, we will go to the grassroots to campaign for Leni and Kiko. We will go house-to-house, secluded places, hard-to-reach and faraway places and inform other people of the excellent platforms of Leni and Kiko should they be elected,” ani Firmeza.

Hindi natatakot ang grupo ni Firmeza sa kabila ng kinahahharap niyang mga kasong murder na aniya ay paninira laban sa kanya.

“You know if you’re going to be scared with whatever, like CoVid or the opponents, nothing will happen. We have to take risks because our candidates already did their part and took the risk,” dagdag ni Firmeza.

Samantala, sinabi ni Dr.  Emily Jardaleza, ng e-Doctors for Leni, naniniwala silang mas karapat-dapat sa puwesto ng bise presidente si Pangilinan.

“If Leni wins, Kiko will be there for her. I am sure that Kiko will fully support Leni and not give her unnecessary headaches. The role of the vice president is very important, and no other candidate is fit other than Kiko,” ani Jardaleza.

Ganoon din ang pahayag ng Bikers for Leni na si Jon Dellarmente bilang pagsuporta sa pahayag ni Jardaleza ukol kay Pangilinan.

“Marami na tayong narinig na mga alegasyon ng korupsiyon sa iba’t ibang politiko pero patuloy pa rin silang nandiyan sa puwesto at nagnanakaw. Si Kiko, kailanman ay wala tayong narinig na ganito kasi tapat siya sa kanyang sinum­paang tungkulin sa ating bayan. Kailangan natin ng mas maraming Kiko para naman umunlad na ang Filipinas,” ani ni Dellarmente.

Agad nagpaabot ng pasasalamat si Pangilinan sa mga grupo at taong nagpakita ng suporta sa tambalan nila ni Robredo.

“Thank you for your warm support, Iloilo. You give us the strength. You inspire us. You encourage us to really fight until we make things right. Nagpapasalamat tayo sa Iloilo na noong 2017, nang hindi tumakbo si Senate President [Franklin] Drilon, ako po ang ginawa ninyong number one dito sa Iloilo City. Noong 2016, nang tumakbo si Senate President Drilon, ako po ay ginawa niyong number two dito sa Iloilo City,” ani Pangilinan.

“Ako ay naniniwala, our citizens are capable of making informed decisions. Kailangan lang natin silang kombinsihin. Kailangan lang nating kausapin nang maayos at paliwanagan kung ano ang totoo sa hindi totoo,” dagdag ni Pangilinan.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …