Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at hindi pa rin napapatawad ni Albie Casino ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Ayon kasi sa binata, noong pumutok ang isyu na nabuntis niya si Andi at hindi niya ito pinanagutan, maraming projects including product endorsements ang nawala sa kanya. At ito ay worth millions of pesos.

Nasira umano kasi ang image o pangalan niya sa paratang ng na nabuntis niya si Andi na hindi naman siya ang nakabuntis kundi si Jake Ejercito. Ito ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Andi na si Eli.

Sa pagkakatanda namin, sinabihan noon ni Albie si Andi na huwag sa kanya ipaako ang pagbubuntis, na hindi naman ginawa ng anak ni Jaclyn Jose.

Lumabas lang ang katotohanan at napatunayan ni Albie na hindi nga siya ang tatay ni Eli nang magpa-DNA test siya at si Jake.

At lumabas nga sa resulta na si Jake ang tunay na ama ni Eli.

Kawawang Albie, lumipad ang milyon sa kanya, na ayon pa sa kanya ay malaking tulong sana para mabago ang buhay ng pamilya nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …