Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa kampanya kontra krimen
TULAK, PUGANTE, 14 PA, TIMBOG SA BULACAN

INARESTO ang isang drug suspect, isang pugante, 9 sugarol at limang suspek sa iba’t ibang krimen sa serye ng anti-criminality drive na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo, 28 Nobyembre, hanggang Lunes ng umaga, 29 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang drug suspect na si Wilson Dalisay ng Brgy. Sto. Niño, Plaridel, na nasakote sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael MPS.

Narekober mula kay Dalisay ang walong selyadong pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Gayondin, sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Pandi Municipal Police Station (MPS), mga elemento ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Sta. Maria MPS, nadakip ang walo kataong naaktohan sa tupada.

Kinilala ang mga suspek na sina Guillermo Dacatimban, Romel Antipasado, at Hernand Francisco, pawang mga residente ng Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria; Reynaldo Balboa, Raymon Mendoza, at Carlo Billiones, ng Brgy. Gulod Manggahan, Sta. Maria; Severino Calonzo at Renie Atazar, ng Brgy. Bunsuran, Pandi; Jhay-R Torculas ng Commonwealth, Quezon City; at isang 17-anyos.

Nasakote rin ang limang indibiduwal na pawang mga suspek sa iba’t ibang insidente ng krimen na nirespondehan ng mga awtoridad ng Malolos CPS, Marilao MPS, Pandi MPS, at San Ildefonso MPS.

Kinilala ang mga natiklong suspek na sina Kiddie Matriano ng Brgy. Baybay, Angat, sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law); Bernardino Monsarate ng Brgy. Siling Bata, Pandi sa kasong Rape kauganay sa RA 7610; Julius Galasinao ng Brgy. Loma De Gato, Marilao, sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children); Gavin Baylon, alyas Chot, ng Brgy. Sto. Niño, Angono, Rizal, sa paglabag sa RA 7610; at Donfrizan Pajaron ng Balingoan, Misamis Oriental para sa kasong Attempted Rape kaugnay sa RA 7610.

Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang mga kasong kriminal na isasampa sa korte laban sa mga suspek.

Samantala, nakorner ang isang pugante sa bisa ng warrant of arrest sa inilatag na manhunt operation ng tracker team ng PHPT, mga operatiba ng San Jose del Monte CPS, 1st & 2nd PMFC, 301st MC RMFB3, 24th SAF at 3rd SOU Maritime Group.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit ang naarestong pugante para sa naaangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …