Saturday , November 16 2024

Sa Pampanga
KASO NG PAMAMARIL NG PULIS SA TEENAGER NASA PISKALYA NA

NAISAMPA na sa piskalya ang kasong Homicide na inihain laban sa isang pulis na nakadestino sa Bacolor Municipal Police Station (MPS) matapos mabaril at mapatay ang isang 19-anyos lalaki habang nasa kustodiya ang suspek ng nasabing estasyon.

Kinilala ni Pampanga PPO Director P/Col. Robin Sarmiento ang pulis na si P/Cpl. Alvin Pastorin, nakatalaga sa Bacolor MPS bilang intelligence officer, habang kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, 19 anyos, residente sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan.

Sugatan at kalaunan ay binawian ng buhay si Vasquez nang mabaril ng pulis dahil sa sinasabing paninita na nauwi sa gulo noong Sabado, 20 Nobyembre.

Dagdag ni P/Col. Sarmiento, galing sa intelligence  operation si P/Cpl. Pastorin nang pumunta sa tindahan ng kanyang kaibigan, at doon napadaan ang limang nakainom na kabataan na noon ay walang suot na face mask at damit pang-itaas.

Base sa salaysay ng ilang nakasaksi, sinita ng pulis ang mga lalaki at pinayohang umuwi muna at kumuha ng face mask at damit ngunit nauwi ito sa mainit na pagtatalo.

Hindi nagtagal ay bumalik ang mga kabataang na humingi umano ng ‘resbak’ sa kanilang mga kamag-anak na noon ay nag-iinuman sa kanilang bahay.

Dagdag ng saksi, nang nagdesisyong umalis ang pulis at bumalik sa kanyang sasakyan, pinagbabato ng mga kalalakihan, hinabol at kinuyog hanggang bumagsak sa lupa.

Habang nakadagan sa kanya ang isang lalaki at nang maramdamang nasa panganib ang kanyang buhay, dito na niya ginamit ang kanyang baril at pinaputukan ang lalaking nakadagan sa kanya, na kalaunan ay kinilalang si Vasquez.

Nang magawang makaiwas ni Pastorin, dali-dali siyang bumalik sa Bacolor MPS at humingi ng back-up sa mga tauhan ng Bacolor MPS para bumalilk sa lugar ng insidente.

Agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Vasquez na tinamaan ng bala ng baril sa leeg at ulo, ngunit ideneklarang dead-on-arrival ng tumingin na doktor na kinilalang si Dr. Melisa Ocampo.

Samantala, ipinag-utos ni PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay kay P/Col. Sarmiento ang patuloy at masusing imbestigasyon sa naturang insidente.

Kaugnay nito, hiniling ng pulisya ang kooperasyon ng bawat isa at manatiling sumunod sa health and safety protocol dahil nasa ilalim pa rin ng alert level 2 ang probinsiya. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …