Friday , April 18 2025
Updenna Lumbo Spring Bulk Water Supply Project Dolores Quezon, NIA

Updenna water project sa Quezon ipinatitigil

IPINATITIGIL ni Senador at vice presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan ang Updenna Lumbo Spring Bulk Water Supply Project sa Dolores, Quezon dahil ito ay mayroong nakaambang panganib dulot ng mga livelihood project ng mga magsasaka.

Dahil dito naghain si Pangilinan ng resolusyon bilang pagpapakita ng suporta sa local farmers, National Irrigation Administration (NIA), at sa local governments ng Dolores at Tiaong.

Ang resolusyon ni Pangilinan ay opisyal na babasahin sa sa Lunes sa session ng senado.

Naniniwala ng local farmers kasama ang NIA  at ang local governments of Dolores at Tiaong na ang naturang proyekto ay magdudulot ng  kakulangan sa water supply at  livelihood na malaking problema ng probinsiya.

“There is a clear threat of irrigation water shortage due to the increasing number of water users both for domestic and agricultural use. The proposed project and the continuous decrease of water discharge will jeopardize the government’s thrust toward food security and will decrease farmers’ potential income,” pahayag ng  NIA.

Nauna rito, inihayag ng LGU sa Tiaong na nakatangap sila ng mga reklamo at negatibong reaksiyon sa naturang proyekto dahil sa negatibong epekto nito sa livelihood at food production.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …