PINABORAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya ng mga kompanya na tanggihan ang mga aplikanteng hindi bakunado kontra CoVid-19.
Ayon sa Pangulo, karapatan ito ng mga employer , pinoprotektahan lang ang kanilang negosyo at interes ng mga empleyado.
“Kung hindi ka bakunado, hindi ka tanggapin sa trabaho. I think that is legal. You have the right to refuse, to accept as an employ of somebody who is not vaccinated and would go and join the rest of the employees in the factory or a place or whatever workplace that you have as your business tapos this guy would start to contaminate everybody,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People kamakawala ng gabi.
Ngunit kung kasalukuyan aniyang kawani ng isang kompanya ang hindi bakunado, hindi siya puwedeng tanggalin sa trabaho.
“Ganito siguro, as a lawyer I would say na kung nandiyan ka na sa trabaho mo at ayaw mong magpabakuna, well, that is too bad for the employer, but sabi ng mga labor lawyers, strongly saying that hindi puwede ‘yang paalisin mo kung ayaw magpabakuna. That would be a violation of the law, and I think I agree with it,” aniya.
Tinawag na pangit at minura ng Pangulo ang mga hindi bakunado habang bayani ang turing niya sa nagpaturok na ng CoVid-19 vaccine.
Nanawagan siya sa publiko na samantalahin ang three-day national vaccination drive mula 29 Nobyembre hanggang 1 Disyembre bilang paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
“ We are planning to conduct a three-day national vaccination drive from November 29 to December 1 coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day. With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated… Lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpabakuna are heroes, lahat kayo hero. Iyong hindi nagpabakuna ‘yung mga pangit na p** — p***** kayo. Huwag ninyo akong bigyan ng problema na ano,” aniya.