Thursday , May 8 2025

Isabela iniangat nina Young, Cabellon sa PCAP meet

INIANGAT  sina 8-time Illinois USA Champion International Master Angelo Abundo Young at National Master Gerardo Cabellon ang  koponan ng Isabela’s Knights of Alexander na tinalo ang Davao Executive Chess Wizards, 12.5-8.5, sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Sabado ng gabi, Okt. 30 virtually na ginanap sa Chess.com Platform.

Tangan ang puting piyesa ay giniba ni IM Young si National Master Aglipay Oberio sa 63 moves ng King’s Indian defense,  nagwagi naman  si NM Cabellon kay Arnel Niño Aton sa 56 moves ng Queen’s Pawn Opening para ihatid ang Knights of Alexander sa kanilang ninth win kontra sa six losses. Habang nabaon naman ang Davao Executive Chess Wizards sa 5-10.

“It was a total team effort,” sabi ni IM Young na overall eighth-placer sa 2019 World Seniors Chess Championships sa Bucharest, Romania.

Pinuri naman ni Isabela head coach Charlie Lagoc ang kanyang mga manlalaro na dumaan sa  matinding laban sa Davao.

\

Nakaha  ng suporta sina Young at Cabellon kina International Master Emmanuel Senador at Lordwin Espiritu sa rapid event.

Pinabagsak ni IM Senador si National Master Alexander Lupian sa 44 moves ng Queen’s Pawn Opening habang nakihati ng puntos naman si Espiritu kay Ariel Niño Aton sa 50 moves ng Pirc defense.

Sina Mary Israel Palero Segarra, Anthony Mosqueda at Reynaldo de Guzman ang napalaban ng husto sa Davao Executive Chess Wizards na tinalo sina Woman Candidate Master Christy Lamiel Bernales, Anwar Cabugatan at Renan Rabago, ayon sa pagkakasunod.

7-all ang iskor  sa rapid portion pero nakamit pa rin ng Isabela’s Knights of Alexander ang tagumpay matapos dominahin ang blitz phase, 5.5-1.5.

Una ng kinaldag ng Isabela’s Knights of Alexander ang Bangkok (Thailand), 12-9, kung saan ay pinahinto ni IM Young si FM Deniel Causo sa rapid play.

Susunod na makakalaban ng Isabela ang San Juan Predators at Laguna Heroes sa Miyerkoles, Nob.3.

MARLON BERNARDINO

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …