Wednesday , May 7 2025
Dwight Ramos, Toyama Grouses

Aomori tinambakan ng Toyoma, 105-71

PINAGPAHINGA na lang si Dwight Ramos ng Toyama Grouses nang tambakan nila ang Aomori Wat’s sa iskor na 105-71 nung Sabado sa   Hokkaido Prefectural Sports Center sa pagpapatuloy ng  9th Emperor’s Cup.

Nagpasya ang coaching staff ng Toyoma na ipahinga ang kanilang star player na Pinoy para sa susunod nilang laban nang makita nilang kayang-kaya na ng kanilang bench na tambakan ang Aomori. 

Naglaro lang si Ramos ng 12 minutes  na nag-ambag ng four points, three rebounds, at three assists.

Pinangunahan ni Kevin Hareyama ang Grouses nang tumikada ito ng 28 puntos para ilarga ang team sa susunod na yugto ng torneyo.

Malaki rin ang iniambag ni Joshua Smith na may 15 puntos at walong rebounds, si Ryumo Ono ay may 12 puntos, samantalang sina Julina Mavunga, Brice Johnson, at Keijuro Matsui ay pareparehong may kontribusyon na 11 puntos kada isa.

Nakatakdang maglaro uli ang Toyoma sa Linggo na ang mananalo ay makakaharap ang mananalo sa  pagitan ng laro ng Shimane Susanoo Magic at Ehime Orange Vikings sa All Japan Basketball Championsip tournament.

Si Kemark Carino na naglalaro sa Wat’s ay nag-ambag lang ng 4 puntos at isang rebounds sa 14 minuto ng paglalaro.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …