Thursday , November 21 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Swab test hindi na kailangan sa 14 Cebu Pacific local destinations

INIANUNSIYO ng Cebu Pacific na kabilang ang Bohol, at mga lungsod ng Roxas at Cebu sa listahan ng mga destinasyon sa kanilang network na pinasimple ang travel requirements at hindi na kinakailangan ang RT-PCR o Antigen testing.   

Simula nitong Lunes, 25 Oktubre, kinakailangan na lamang magpakita ang mga pasaherong fully-vaccinated patungo sa lalawigan ng Bohol ng kanilang Vaccination Certificate mula sa vaxcert.doh.gov.ph kapalit ng negatibong RT-PCR test result.

Bukod sa vaccination certificate, kailangan din magpresenta ng government-issued ID at kumuha ng S-Pass approval. 

Kamakailan ay nag-anunsiyo ang lungsod ng Cebu na tatanggap na sila ng mga fully-vaccinated na indibidwal na makapagpapakita ng vaccination card na may QR code at valid ID na mayroong retrato at pirma.

Kung walang QR code ang kanilang vaccination card, maaari nilang ipakita ang opisyal na vaccination certificate na inisyu ng local health officer ng kanilang LGU o vaccination certification mula sa Department of Health (DOH)-BOQ. 

Lahat ng mga pasahero na makapagpepresenta ng kanilang opisyal na vaccine card o vaccine certificate ay hindi na hihingan ng negatibong RT-PCR test sa kanilang pagdating sa lungsod ng Mandaue. 

Gayondin, tatanggapin ng lungsod ng Roxas ang mga pasaherong fully-vaccinated na magpapakita ng kanilang beripikadong vaccination certificate at aprobadong Travel Coordination Permit (TCP) mula sa S-Pass.

Kailangang tiyakin ng mga biyahero na ang petsa sa kanilang TCP ay parehas sa aktuwal na petsa ng kanilang biyahe.

Maituturing na fully-vaccinated ang isang tao, 14 araw matapos matanggap ang kaniyang second dose sa two-dose series, o 14 araw matapos matanggap ang single-dose vaccine. 

“More LGUs are simplifying their travel requirements as we see more of the country open up. This is a welcome development and we look forward to more destinations applying a risk-based approach to travel, as we work together to instill safe and convenient travel within the Philippines,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for Marketing and Customer Experience ng Cebu Pacific. 

Pinapayohan ang mga pasahero na palaging tingnan ang pinakahuling update sa ipinaiiral na protocol ng mga LGU ng kanilang destinasyon.

Agad magbibigay ang Cebu Pacific ng mga update sa mga travel requirements sa http://bit.ly/CEBTravelRequirements matapos matanggap ang mag ito mula sa mga LGU.

Tinitiyak ng Cebu Pacific na patuloy silang susunod sa mga itinatakdang health protocols ng pamahalaan.

        Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards. 

Makikita sa talaan ang mga LGU na hindi na kinakailangang magpresenta ng resulta ng swab test.

No Swab Tests! 
LGUs Medical Other Requirements 
Butuan Vaccination Card TCP from S-Pass, Gov’t ID 
Cagayan de Oro None S-Pass, OpCoors, Higala, StaySafe  
Cebu Province Medical Certificate  
Cebu City Vaccination Card Valid ID  
Mandaue City Vaccine Card and/or Vaccine Certificate  
Iloilo Vaccination Card and Vaccination Certificate S-Pass 
Guimaras Vaccination Card TCP from S-Pass 
Pagadian None Gov’t ID stating address in Pagadian 
Maguindanao Vaccination Card Valid ID, Travel Order for APORs 
Negros Occidental Vaccination Card  TCP from S-Pass, Stay Safe 
Bacolod Vaccination Card online BacTrac registration, online Health Declaration,   TCP from S-Pass, valid ID 
Tacloban Vaccination Card Registration to Balik Tacloban Project website 
Bohol Vaccination certificate from vaxcert.doh.gov.ph S-Pass, Gov’t ID 
Roxas Vaccination Certificate TCP from S-Pass 

*Info as of October 25, 2021 

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …