Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
No Facemask

2 mister tiklo sa P126K shabu sa Caloocan (Nasitang walang suot na facemask)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang mister matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang sitahin ng mga pulis dahil walang facemask sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City chief of police P/Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon, alyas Empoy, 46 anyos, at Emar Villanueva, 44 anyos, pintor, kapwa residente sa Brgy. 154, Bagong Barrio.

Ayon kay Col. Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concern citizen na ipinadala sa NCRPO SMS hotline “Isumbong mo kay RD!”

Dakong 12:20 am, nang dumating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio, nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na facemask.

Nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR), tumakbo ang mga suspek at tinangkang tumakas kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner at maaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang anim na sealed transparent plastic sachets na nag­lalaman ng tinatayang 18.66 gramo ng hini­hinalang shabu, may standard drug price P126,888.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of  RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …