Thursday , December 19 2024
#24OrasChallenge TikTok

#24OrasChallenge patok sa netizens

Rated R
ni Rommel Gonzales

BENTA ngayon sa netizens ang #24OrasChallenge sa TikTok.  Sa challenge, may chance na ang mga aspiring TV reporter o anchor na matupad ang kanilang pangarap kasama pa ang kanilang favorite Kapuso anchors ng 24 Oras. Ang gagawin lang ay babasahin ang balita sa teleprompter. O, ‘di ba, bongga!

Ilan na nga sa mga nagbahagi ng kanilang spiels sa TikTok account ng Kapuso newscast ay sina 24 Oras anchor Vicky Morales at Chika Minute segment host Iya Villania. Join din sa fun sina Atom Araullo at Mav Gonzales.

Kabilang sa mga topic na pwedeng gawan ng report sa challenge ay ang COVID-19 situation sa bansa, mga latest sa entertainment, at viral news sa social media.

Kakasa ka ba sa #24OrasChallenge? Punta lang sa 24 Oras TikTok account, click ang napiling video ng featured Kapuso anchors, hit the ‘share’ button sa side at i-click ang ‘duet’.

Huwag kalimutan gamitin ang official hashtag #24OrasChallenge sa pag-share.

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *