Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista
Heart Evangelista

Heart sa mga nagpipilit siyang magbuntis — Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMING natatanggap na comment si Heart Evangelista sa kanyang Twitter account na kinukuwestyon ang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pagbubuntis sa kabila ng ilang taong kasal na sila ni Chiz Escudero.

Sabi ng isang netizen, ”Sayang lang ang ganda ng katawan. Hindi mabuntis ang asawa.” 

Ayon naman sa isa pang netizen, ”Grabe ang katawan uy. Parang hindi pa nagamit ng todo.”

“Swerte ng next husband ni Heart. Parang ‘di masyadong nagamit ni Chiz,” ang pahayag naman ng isa pang netizen.

Sinagot naman ni Heart ang mga comment na ito. Sabi niya, ”Okay na sana lahat. Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle.  

“Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive. It’s my body,” she stated.

Ayon pa kay Heart, hindi naman siya nagagalit sa mga netizen na gusto na siyang mabuntis. Pero gusto niya lang iparating sa mga ito na hindi basehan na mabuntis siya para lang masabing masaya na siya. 

“I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya.

“I am already a happy person and grateful. Tama na ang pressure. Inspire each other na lang tayo,”  

“Wag kayo magalala nobody has a perfect life… my life is far from that.”

Actually, nabuntis na naman noong 2018 si Heart. Kaya lang ay nakunan siya. Siguro, hindi pa lang ngayon ang tamang panahon para mabuntis ulit siya. Pero siyempre, gusto rin naman niyang magkaanak, kaya gugustuhin niyang mabuntis ulit. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …