Saturday , November 16 2024
arrest posas

Kelot hoyo sa patalim (Nagwala sa Malabon)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhaan ng patalim makaraang magwala at maghamon ng away sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Alarms and Scandal at BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang suspek na kinilalang si Ricardo Galura, Jr., 28 anyos, ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Sa report nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgtt. Diego Ngippol kay Malabon police deputy chief Col. Rhoderick Juan, dakong 1:30 pm nang makatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen ang mga tanod ng Brgy. Tugatog hinggil sa isang lalaki na nagwawala sa kahabaan ng M.H Del Pilar St., sa naturang barangay.

Agad nagresponde sa naturang lugar ang mga tanod at naabutan nila ang suspek na nagsisigaw habang hinahamon ng suntukan ang bawat makita niya.

Nagpakilala ang mga arresting officers na barangay tanod at tinangkang awatin ang suspek ngunit hindi sila pinansin at sa halip ay nagpatuloy sa eskandalo.

Napilitan ang mga tanod na arestohin ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang isang kutsilyong pangkusina. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *