Saturday , November 16 2024
Marcy Teodoro, Bayani Fernando, Marikina
Marcy Teodoro, Bayani Fernando, Marikina

P7-B proyekto ng road dike, 5-story building sa Marikina, ‘inayawan’ ni Mayor Teodoro? — Cong. BF Fernando

AABOT sa P7 bilyong halaga ng mga proyekto kabilang ang konstruksiyon ng road dike at 5-palapag na gusali sa lungsod ng Marikina ang tinanggihan ng lokal na pamahalaan.

Ito ang inihayag ni 1st District Congressman Bayani ‘BF’ Fernando na deretsahan umanong tinutulan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro.

Unang binanggit ng kongresista ang dalawang P800-milyong budget ng road dike at 5-palapag na gusaling ilalaan ang apat na palapag bilang kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Fernando, hindi sana nangyari ang malagim na hostage drama na ikinamatay ng dalawang preso at jail guard na pinaniniwalaan niyang naburyong dahil sa tulog-paniking sitwasyon sa kasalukuyang piitan.

Aniya, ang piitan ng BJMP na nasa ika-apat na palapag ng judiciary building ay may kapasidad lamang na 100 tao ngunit ngayon ay nasa 900 ang nakapiit, dahilan upang magmistulang paniki sa pagtulog ang mga bilanggo.

Ikinatuwa rin ng kongresista na natuloy ang proyekto nitong 200-bed expansion na Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) at pitong operating room na tinangka rin umanong pigilan ni Teodoro.

Ang road dike, ayon kay Fernando, ay para laliman at palawakin ang Marikina river para maibsan ang dekada nang problema sa baha ng mga Mariqueño, at kumitil na rin ng maraming buhay sa tuwing may kalamidad.

Nang tanungin si Fernando kung ano ang konkretong dahilan bakit ito inayawan ng alkalde, ayaw umano ni Teodoro na dalawa ang guwapo sa lungsod.

Sa huli, nanghinayang ang kongresista na baka ibalik ang bilyong pondo sa Treasury at mahirapan nang makahingi ng budget sa nasyonal para sa mga proyektong ikauunlad ng lungsod.

 (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *