Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno
Isko Moreno

Brief ni Yorme ‘di nakasira, nakadagdag popularidad pa

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI nakasira, nakadagdag pa sa popularidad ni Yorme Isko ang pagsusuot niya ng briefs noong araw. Hindi naman itinago iyon ni Yorme, na nagsabi pang, “makikita ninyo ang katawan ko pero hindi ang harapan ko.” Kasi naman noong panahong gawin iyon ni Yorme, bata pa siya at matindi ang wankata niya.

Nakatatawa nga dahil sa social media ay marami ang naghahanap ng mga sinasabing pictures ni Yorme, at basta may nag-share naman, inuulan iyon ng magagandang comments. Hindi nga siguro aware ang iba sa ngayon na iba na ang takbo ng mundo at pati lalaki tanggap na kung magpa-sexy man.

Hindi mo rin masasabing bakla lang ang may gusto. Marami ring mga babaeng pinag-uusapan ang mga sexy picture ni Yorme. May isa ngang beteranong newsman na nag-comment pang, “mukhang mali ang
advisers ng kalaban dahil hindi nakasira ang brief.”

Hindi na rin naman bago iyan eh, ilang taon na ang nakararaan, kumakandidato pang vice mayor ng Maynila si Yorme, may nagpagawa na ng mga poster na idinikit sa mga pader sa mga pangunahing lansangan na ang picture ay naka-bikini si Yorme sa swimming pool, hindi rin naman nakasira sa kanya iyon, dahil may panahon na may mga pelikulang kung tawagin ay ST na nauso noon at gumawa ng ilang pelikula noong panahong iyon si Yorme sa kompanya, iyong Seiko. Pero publicity pictures lang naman iyon dahil ang ginawa niya ay wholesome na love story, na ang isa pa sa partner niya ay si Claudine Barretto.

Actually wala namang masasabing ginawa si Yorme na dapat niyang pagsisihan o itago man dahil wala nga siyang ginawang pelikulang mahalay talaga. Nababantayan naman kasi iyon ng kanyang manager at ni Kuya Germs na siyang nag-build up sa kanya. Si Kuya Germs naman hindi nag-build-up ng bold star.

At saka noon nga uso iyon. Maski na sina Gabby ConcepcionRichard Gomez at iba pang matinee idols gumawa ring lahat ng ganoon. Maski nga si Aga Muhlach nagpa-sexy din eh, hindi nga lang kagaya ng ginawa ng karamihan. Mas conservative siya. Kaya ang final score, nagkamali sila sa paniniwalang makasisira kay Yorme iyong sabihing nagpa-sexy siya sa mga pelikula niya noong araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …