Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Bong Diacosta
Nora Aunor Bong Diacosta

Nora gagawan ng pelikula ng isang US based film producer

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI pa man naipalalabas ang unang pelikulang ipinrodyus ng baguhang producer na si Bong Diacosta under Blankpages Productions na Nang Dumating si Joey  mula sa direksiyon ni Arlyn Dela Cruz, may kasunod na kaagad ito na si direk Arlyn pa rin ang magdidirehe.

Kuwento ni Kuya Bong, bata pa siya ay mahilig na siyang manood ng pelikula at minsan ay naiisip niya na parte siya ng pelikulang pinanonood.

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong magprodyus ay kinausap niya ang matagal na niyang kaibigan, si Direk Arlyn na tulungan siya. Kaya naman nagawa ang Nang Dumating si Joey na pinagbibidahan ni Allan Paule kasama si Francis Grey, ang Mr Pogi finalist. Kasama rin sina Ernie Garcia, Isadora, at Rash Jusen.

Ang Nang Dumating si Joey ay isang LGBTQ Film, pero kakaiba ito sa iba dahil wala itong bed scene o halikan na karaniwan sa mga LGBTQ movie. Pero may eksena si Francis na gumaganap bilang si Joey na ikagugulat ng mga manonood.

At sa hanay ng mga local artist natin sa bansa, si Nora Aunor ang pangarap ni Kuya Bong na gawan ng pelikula dahil paborito nilang magkakapatid ang Superstar.

Bilib si Kuya Bong sa husay umarte ni Ate Guy na kahit anong role ang ibigay ay nagagampanan ng buong husay. Sana nga ay matulad ang kanyang pangarap.

Samantala  ang pelikulang Nang Dumating si Joey ay available for streaming sa August 13-15, 2021 sa ktx.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …