Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NCRPO chief, P/MGen Vicente Danao, Jr. and President Rodrigo Duterte
NCRPO chief, P/MGen Vicente Danao, Jr. and President Rodrigo Duterte

SONA zero crimetiniyak ng NCRPO

TINIYAK ng National Capital Region Office (NCRPO) ang seguridad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na “zero crime incidents.”

Siniguro kahapon ni NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., plantsa­do ang seguridad para masiguro ang ‘zero crime incidents’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ngayong Lunes.

Tulad ng mga naka­lipas na SONA, naitalang generally peaceful, wa­lang insidente ng krimen sa kabila ng mga kilos-protesta at banta ng CoVid-19 noong naka­raang taon, kaya inihanda ang security task force “SONA 2021” sa pamumuno ni Danao, bilang Task Force Commander.

Binuo ang security task force “SONA 2021” ng apat na task force, kabilang ang TF Anti-Criminality, tututok sa tuloy-tuloy na pagpapa­tupad ng batas at pagpa­panatili ng kapayapaan at kaayusan; TF Antabay,  para sa mabilis na deployment at intervention; TF RIMLAND,  para sa pag­pa­pakalat ng security personnel, civil disturbance management, traffic management control, at iba pang public safety services; at ang TF Reserve.

May kabuuang bilang na 15,174 personnel ang ipinuwesto upang mati­yak ang seguridad at maging maayos, batay sa plano.

Mas maigting ang pagbabantay sa pag­tutulong-tulong ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines (AFP), Joint Task Force- NCR (JTF-NCR), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Land Transportation Office(LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Health (DOH), Office of the Civil Defense (OCD), Quezon City Disaster Risk Reduction and Manage­ment Office (DRRMO), QC-Department of Public Order and Safety (DPOS) at Philippine Red Cross (PRC), ani Danao.

Isang araw bago ang SONA, idineklarang “no fly zone” at  “no drone zone” maging ang mga ports at waterways sa Batasang Pambansa at kalapit na lugar.

“Ang hiling ko lang po sana, doon sa ating mga kababayan na nag­babalak lumabas at magprotesta, huwag na po sana. O di po kaya ay gawin na lang ito online upang hindi na po maging sanhi ng pagkalat pa ng virus lalo ngayong may­roon tayong binaban­tayang bagong Delta variant.

“Magtulungan po sana tayo upang maging maayos ang SONA at the same time, hindi na rin po tayo magkaroon ng mass gathering na puwedeng maging mass spreader ng virus,” apela ni Danao.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …