Thursday , June 4 2026
Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABIL
ni John Fontanilla

ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career.

Kuwento ni Kim sa mediacon ng pelikulang Batang Paco, “Parang ngayon wala, ayoko muna i-rush ang mga bagay -bagay, kung darating, darating naman ‘yan.

“Kung andyan na ‘yan, ‘di mo na mapipigilan ‘yan. Pero sa ngayon ayoko muna. Mas gusto ko munang mag-concentrate sa career  ko.”

Dagdag pa ng dalaga, “May mga nali-link, pero ‘di totoo, nali-link lang.”

At kahit single ay happy naman si Kim at abala sa kanyang restaurant business. 

Ginagampanan ni Kim sa Batang Paco ang role ni Brandy na seksing sekretarya ni Ai Ai delas Alas.

Ayon kay Kim kinabahan siya nang maka-eksena ang komedyante lalo na’t first time niya itong nakatrabaho.

Grabe kinabahan talaga ako noong first shooting ko, tapos kaeksena ko kaagad si Miss Ai Ai.

“Kasi kami ‘yung laging magkasama, kasi secretary niya ako sa movie.

“Noong una ang lamig-lamig ng kamay ko sa kaba, pero mabait si Ms Ai, kinakausap niya ako. Kaya simula noon, medyo kumalma ako at naging okey na at unti-unting nawala ang kaba ko.

“Kaya noong mga sununod na shooting wala na masyadong kaba,” wika pa ng seksing aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …