Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas Empoy Marquez Batang Paco

Empoy ibinuking ni Ai Ai may dyowang non-showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINUKO ni Ai Ai delas Alas ang co-actor niya sa pelikulang Batang Paco na si Empoy Marquez na may non-showbiz girlfriend na.

Ayon kay Ai Ai, “Mayroon itong (Empoy) Jows (Jowa).

Private ‘yun, pribado!” sagot naman ni Empoy.

Nang uriratin kay Empoy kung gaano na sila katagal ng non-showbiz GF, si Ai Ai ang sumagot ng, “‘Wag na kawawa naman, okey na ‘yun.”

Sundot ng press, wala ka pa bang balak pakasal? 

“Next na siguro bata pa naman ako, at lalagay na tayo sa pag-aasawa. Nasa tamang edad na naman ako, 30 na,” tugon ni Empoy.

Pero naiisip mo na, balik-tanong sa aktor. “Oo naman, mas okey ako sa non-showbiz.

“Kapag pagmamahal na ang nagtutulak sa ’yo, may lakas kang hindi mo inaasahan,” dagdag pa.

Anyways, ginagampanan ni Empoy ang role ni Paco na halaw sa kapatid na babae ng sumulat ng pelikula na si Marissa Tagasa at pamangkin nitong lalaki.

Makakasama rin nina Empoy at Ai Ai sa Batang Paco  sina Mon Confiado, Ynez Veneracion, Chichi Rita, Cassy Lavarias, Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.

Sa direksiyon ni Rechie Del Carmen, hatid ng MiVida Productions ni Anna Abiera- Del Moral, showing in cinemas nationwide sa February 18.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …

Xian Lim Dylan Menor Jayda Avanzado Marco Gallo

Xian proud kina Jayda, Dylan, at Marco

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BILIB kami sa disiplina ni direk Xian Lim. He was once a …

Mark Herras Crying

Mark dinagsa ng simpatya ng mga kapwa artista

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKALULUNGKOT namang talaga ang nangyari kay Mark Herras na balitang hiniwalayan na nga …

Wagas Valentines

Seryeng ukol sa pag-ibig espesyal ngayong Pebrero

RATED Rni Rommel Gonzales MAS pakikiligin ng GMA Network ang buwan ng pag-ibig sa pamamagitan ng special …