Sunday , December 22 2024
PSC Rise up Shape up

Virtual learning ng sports at PE sa PSC’s Rise up Shape up

ANG virtual learning ng sports at physical education ay naging  sentro ng talakayan sa Philippine Sports Commission’s Rise Up Shape Up nung Sabado, July 3.

Ang Webisode ay nagpalabas ng iba’t ibang istorya at pananaw ng sports educators at women coaches  sa bagong normal mode ng pag-aaral na dahilan ng kasalu­kuyang health crisis.

Nagsalita si University of the Philippines Community Recreationsl Director at UP College of Human Kinetics assistant professor Michiko S. Aseron tungkol sa Kinetika Online—isang public service ng UP-CHK na nang-iingganyo ng tao na mag-ehersisyo sa kasagsagan ng lockdown.

”The web series does not only promote balance in physical, mental, and emotional health but also supports the promotion of sports on a digital platform,” sabi ni  PSC Women in Sports oversight Commissioner Celia Kiram.

Kasama ni Prof. Aseron sa nasabing episode si Dr. Jenny Lee Victor-Esiong ng Benguet State University Institute of Human Kinetics.  Tinalakay niya ang istratehiya sa pagbabago ng online classes at mas magandang platform para sa sports at movement .   Nagsilbi si Dr. Esiong bilang university dance sports coach simula pa noong 2008.   Dati siyang dance troupe member, naging varsity player ng basketball at soccer at lumahok sa national competition mula 1998-2002.

Kasali rin sa webisode si De La Salle University faculty member Karina Crisostomo na nagbigay ng ilang tips kung paano mapaglalabanan ang stress sa Online Learning.

”The PSC women in sports program wanted to highlight our women educators, coaches, and athletes to inspire young girls to get active and be involved in sports as a form of empowerment,” sabi ni Kiram.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *