Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mavs nakaabang kina Conley at Leonard sa NBA free agency

DALLAS – Matindi ang kinakaharap na misyon ng Dallas Mavericks sa pagsungaw ng offseason  ng NBA dahil target nilang masungkit sina Kawhi Leonard at  Mike Conley sa free agency para lalong mapalakas ang team.

Sa naging episode ng Hollinger & Duncan NBA Show, binanggit ni John Hollinger na ang Mavericks ang “team to watch’ na interesado kay Mike Conley sa free agency.

Pag-aagawan tiyak si Conley sa free agency, kaya ang presyo niya ay tiyak din na lolobo.   At ang tanong ngayon ay kung kaya kayang pantayan ang itataas nitong market value ng Utah Jazz na kung saan siya naglaro nitong kasalukuyang season.

Ang Jazz ay handang ibigay ang nararapat sa isang manlalaro para hindi matangay ng ibang team.  Pero ang malaking tanong ngayon ay kung kakayanin ba nila ang magiging presyo ni Conley base sa natitira nilang budget dahil sa dami ng superstars?

Bukod kay Conley, tutok din ang Dallas kay Kawhi Leonard sa free agency na makakakompetensiya nila ang Miami Heat.

“The Mavericks and Heat plan to make a hard push to acquire Leonard, league sources say. The Knicks will also pursue any superstar that becomes available, and a long list of other suitors would at least make an attempt if he hits the market. Who wouldn’t want a 30-year-old two-time Finals MVP still performing at an All-NBA level?”

Sa pananaw ng mga miron sa NBA, malaki ang potensiyal na lumanding si Leonard sa Mavs para makabuo ng ‘dynamic duo’ ang team kapag nagsama sina Luka Doncic at Kawhi.  Pero ang tanong lang ay kung kursunada ba ni Kawhi na makasama si Doncic?

Isa pang pinagbaba­tayan ng mga miron kung bakit malaki ang posibilidad na lumanding sa Mavs si Kawhi dahil sa magandang relasyon nito sa bagong Mavericks general manager Nico Harrison nang nagkasama sila sa promotion ng Nike.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …