Saturday , April 26 2025
checkpoint

Rider arestado sa shabu (Walang suot na helmet)

BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhaan ng shabu nang tangkaing takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanya sa checkpoint dahil walang suot na helmet sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, Article 151 RPC, RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009) at RA 4136 Sec 15 at 19 (Failure to Carry Driver’s License and OR/CR) ang naarestong suspek na si Ruben Legaspi, 44 anyos, residente  sa Langka Road, Brgy. Langka, Meycauayan, Bulacan.

Sa report ni SDEU investigator P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 2:45 am, nagsasa­gawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sub-Station 7 sa pamumuno ni deputy commander P/Lt. Arnold San Juan nang parahin nila si Legaspi dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo.

Nang hingan ng mga pulis ang suspek ng driver’s license at iba pang kaukulang dokumento, bukod sa hindi nakipagtulungan ay wala rin naipakitang dokumento saka tinangkang tumakas.

Gayonman, agad siyang napigilan saka inaresto nina P/SSgt. Marlon Carpio at P/SSgt. Moises Cereno at nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng 2 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *