Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 suspek tiklo sa Bulacan (Buy bust vs smuggled ‘yosi’ ikinasa)

SA SERYE ng buy bust operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nadakip sa magkakahiwalay na bayan ang pitong hinihinalang nasa likod ng pagpupuslit ng mga sigarilyo, nitong Martes, 22 Hunyo.

Isinagawa ang ope­rasyon ng magkasanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Doña Remedios Trinidad (DRT) Municipal Police Station sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, at Pandi, sa naturang lalawi­gan.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Roderick Gregorio, Cornelia Gregorio, Christopher Sito, Jayson Laboy, Raymart Torres, Enrique Jhon Gerome, at John Rupert.

Nasamsam ng mga operatiba mula sa pitong suspek ang may kabuuang bilang na 241 reams ng sigarilyong Moon at dalawang reams ng sigarilyong D&B na naiulat na ‘smuggled and/or untaxed cigarettes.’

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga nakapiit na suspek.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …