Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chess

Nuqui lalaro sa grandfinals ng Nat’l Age Group Chess championships

NAKATAKDANG lumarong  muli si Gabrielle Ordiz Nuqui  ng Barangay Mawaque, Mabalacat City, Pampanga sa paglarga ng Grandfinals ng National Age Group Chess Championships sa  Hunyo 26 hanggang 30, 2021 sa Tornelo platform.

Si Nuqui, 13,   grade 7 pupil ng Mawaque High School sa Mabalacat City, Pampanga ay inaasahan na magpapakitang-gilas  sa chess  pagkaraang makapasok sa main draw.

Sa pangangalaga  ng Golden Land Chess Club at ni sportsman Hans Christian Balingit ay sasabak nang husto si Nuqui sa mga bigatin at kilalang woodpushers sa Under 14 category na kinabibilangan nina National Master (NM) Mark Jay Bacojo ng Dasmarinas City, Cavite, Arena Grandmaster (AGM) Fletch Archer Arado ng Zamboanga City and Arena Grandmaster Christian Gian Karlo Arca ng Panabo City, Davao del Norte at iba pang qualifier.

Nasa matinding pagsasanay si Nuqui sa paggabay ng kanyang coaches at trainers na sina Robert Halili, Rusby Salalila, Jeffrey Pascual, John Gregorio, Eugene Dimarucut at Jewello John Vegafria.

Si Nuqui ang Brainy Chess Academy Under 18 Champion at Number 1 Player sa Mabalacat City, Pampanga.

Tatayo naman si  Gabriel Prevandos ng Angeles City, Pampanga bilang  Hybrid Tornelo Arbiter sa nasabing chessfest, na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …