Thursday , December 19 2024

Miss Universe Canada ayaw makipagbastusan sa bashers

KAHIT ‘di man nakasama sa Top 21 gaya ng ating pambatong si Rabiya Mateo, pang Miss Universe ang attitude ng Miss Canada candidate na si Nova Stevens.

At kahit tapos na ang Miss Universe pageant, ayaw pa rin siyang tantanan ng pamba-bash ng ilang Pinoy netizens na parang tuluyan nang nawalan ng modo at ng takot sa karma.

Sa ngayon, hindi lang ang pagiging black-skinned ni Nova ang inaalipusta kundi hinahangad na rin nilang yumao na ang beauty queen ng Canada.

Ang pagtindi ng pambabastos nila kay Nova ay dahil sa pag-aakala nilang isinisisi ni Nova sa Pinoy fashion designer, si Michael Cinco ang ‘di nito pagkakasali sa Top 21 (semi-finalists) dahil nasira ang diskarte n’ya nang madiskubreng masama ang fitting sa kanya ng tatlong gowns na ipinadala sa kanya ni Michael para sa final pageant kaya isa lang  ang nagamit n’ya sa mga iyon dahil ‘yon lang daw ang mabilis maremedyohan. Delayed daw ang pagdating ng mga gown sa pageant site sa Florida.

Pero ‘di naman si Nova mismo ang nanisi kay Michael kundi ang management team niya na MGmode na parang ‘di man lang din siya pinagsabihan na i-expose nila sa social media ang umano’y pananabotahe ni Michael para lubusan siyang matalo.

Sa inis ni Michael, idinamay n’ya si Nova sa mga sinabihan n’yang walang mga utang na loob dahil libre lang naman lahat ng mga gown na ginawa nito at ng kanyang team para kay Nova.

Ni hindi man lang daw nagpadala sa kanya noon ng thank you message si Nova at ang team n’ya.

Maayos na sinagot naman ni Nova sa social media ang mga paratang ni Michael na ilang taon na ring Dubai-based dahil marami siyang mga ubod-yaman na mga kliyente roon.

Nag-apologize si Nova sa ginawa ng management team n’ya na pinamumunuan ng isang Nicaraguan na si Denis Martin Davila. Ang management team ang ‘di nagri-react sa paratang sa kanila ni Michael na wala namang reputasyong palaaway.

Noong May 25, Martes, nagdiwang ng 26th birthday niya si Nova. Pero sa halip na pawang pagbati lahat ang matanggap niya para sa kanyang kaarawan, may mga napahalo roon na bash ng mga netizen na ang ilan ay naghahangad pa ng kanyang kamatayan.

Sa kanyang Instagram account, na muli niyang ginawang public, ibinahagi ni Nova ang screenshots ng mga banta ng bashers laban sa kanya.

Nakababahala ang mga salitang “die” at “commit suicide” at maging ang racial slur na n-word na ipinadala sa kanya ng mga basher.

Nilinaw ni Nova ang pagkakaiba ng sponsorship at charity na may kaugnayan pa rin sa pagpayag ni Michael na maging sponsor ng mga gown na gagamitin niya sa 69th Miss Universe.

Pahayag ng Canadian beauty queen, ”I don’t usually dignify drama/hate with a response because I believe in feeding only what feeds my soul. However this has personally attacked me so I feel the need to clarify a few things:

“Designers & pageant contestants enter into sponsorship agreements regularly.

“Just as they do at award shows or any other public event, its not ‘free.’ It involves an immense amount of effort+negotiation on both sides.

“My team worked hard to secure a deal with Michael without having a big budget as Canada is not a major pageant country and we don’t have the type of support some other countries do. Michael and my team had an agreement to sponsor the main contest gowns.

“SPONSORSHIP IS NOT CHARITY; it is an agreement to lend a gown to a public figure in return for PR, publicity and safe return of the gown.”

Diin ni Nova, ilang beses niyang pinasalamatan si Michael sa social media at maging sa interviews. Taliwas ito sa pahayag ng Filipino international fashion designer na “ungrateful” ang Canadian beauty queen at ang team nito dahil hindi raw sila marunong magpasalamat.

Saad ni Stevens, ”As of now, I have 10 posts that are still up thanking him, not including interviews where I always made sure to mention him, nor the many personal videos thanking him from the bottom of my heart.”

Iginiit din ni Stevens na hindi nag-fit nang husto ang gown na idinisenyo ni Cinco sa preliminary competition kaya nagdesisyon ang kanyang team na ibang gown na lang ang suotin niya.

“As you all know, even in the best intentioned deals, things can and did go wrong.

“In my case, the preliminary gown did not end up fitting perfectly.This was important because it affects scoring.

“So we made the decision to wear a different gown (thank you to Virgilio Madinah).”

Muli ay humingi ng paumanhin si Nova sa pagkakamali ng kanyang team na magkomentong hindi dumating sa oras ang mga gown na ginawa ni Michael na dapat na gagamitin ng Canadian beauty queen sa preliminary competition ng 69th Miss Universe.

Saad ni Nova, ”Unfortunately my team who had worked so hard was upset that Michael did not deliver his end and they did make a comment. This was WRONG on my team’s part.

“As part of my team, I fully apologize. I appreciate all his efforts and that perfect final gown. This is a disagreement that should have been handled in private and with maturity.”

Iginiit din ni Nova na tila labanan ng ego ang nangyayari.

“However, it has devolved into an ego clash on social media, and dragged me into the middle of it.

“I have been getting death threats, racist trolls are hurling despicable insults at me, and people are dragging my character with lies.

What amazes me is that people seem to be more outraged at my alleged ‘lack of thanks’ rather than me being asked to die and receiving racist hate. I don’t deserve that.”

Para sa kanyang 26th birthday, plano ni Nova na magpahinga muna, kasama ang hiling na umiral sa puso ng mga tao ang pagmamahal at pang-unawa.

“Michael said he’d give us a war, but we are a peace loving nation and we don’t accept this war. We don’t accept racism. We don’t accept bullying.”

In fairness to Michael, tumigil na siya sa pagpo-post tungkol sa isyu ng gowns. Ang ilang miyembro na lang ng team n’ya ang nagtatanggol sa kanya.

May ilang Pinoy designers na nagpahayag na nagkaroon na rin sila ng masamang karanasan sa MGmode na may ugali palang maraming designers ang kinakausap para bihisan ang Miss Universe candidate nila pero ‘di nila ipinagtatapat ‘yon sa mga designer.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *