Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta

Bakit kinailangan ni Sharon ng alone time?

CURIOUS kami kung anong plano ni Sharon Cuneta sa laboratory na nagsagawa sa kanya ng COVID 19 swab test noong Mayo 16 at positive ang resulta na naging dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa kanyang Hollywood movie kasama ang Fil-Am comedian na si JoKoy. At malaking halaga ang nawala sa kanya.

Mayo 16 nang magpa-swab test ang Megastar bilang requirement sa pag-alis niya ng Mayo 18 patungong Los Angeles California para sa isang gabing pahinga at kinabukasan, Mayo 19 ay diretso na siya ng Canada na ang entire location ng pelikula na produced ni Steven Spielberg.

Base sa IG Live ni Sharon, handang-handa na ang lahat ng papeles, naka-empake na siya at siya na lang ang hinihintay ng kanyang manager sa Amerika para sa nasabing proyekto.

Noong Mayo 17 habang hinihintay ang resulta ng swab test ay may mga zoom meeting na si Sharon para sa mga final bilin sa kanya at kung ano-ano at pagkatapos ng meeting ay sinabihan siya ng kanyang assistant na positibo siya sa COVID19.

Kaagad ipinaalam ng aktres ang kalagayan niya sa manager niya sa Amerika para hindi na siya hintayin dahil nga may sinusunod na scheduled shooting ang buong team at inamin niyang heartbroken siya ng mga oras na iyon.

At dahil hindi mapanatag ang kalooban ni Sharon ay nagpa-sked siya ng another swab test sa iba’t ibang laboratory.

Kuwento niya, ”Ito ang masakit after this test by that lab, which I still cannot forgive, I immediately scheduled 3 different labs to come and test me again, after that the next day another different lab, so pang-apat na then later on sa ABS- swab ulit. It’s a total of 7 swab test and all the 7 labs tested me NEGATIVE, so hindi ba naman hearbreaking ‘yun?” That’s why I was depressed.”

Ito ang dahilan kung bakit may mga post ang Megastar sa kanyang IG na masaya at sa kalaunan ay biglang na-depress at kinailangan niyang magkaroon ng ‘alone time’ na ginawa naman niya sa kanyang dating condo unit noong dalaga pa siya sa Twin Towers sa Ayala Avenue, Makati City.

Hanggang sa lumipad na siya patungong Amerika para sa bakuna at para sa ilang projects na hindi pa niya binanggit kung ano-ano ang mga ito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …