Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Andre Brouillette
Rabiya Mateo Andre Brouillette

Lunch date nina Rabiya at dating PBB housemate binigyang malisya

USAPING Rabiya Mateo pa rin na natsikang hiwalay na sa boyfriend niyang si Neil Salvacion dahil wala na lahat ang mga larawan ng dalaga sa IG account nito kaya iisa ang tanong ng netizens, kung hiwalay na sila pero hindi naman ito sinasagot ng binatang Nurse.

Sabi naman ng iba ay baka may usapan silang gawing pribado muna ang lahat at siguradong sila pa rin dahil pina-follow pa rin nila ang isa’t isa.

Pero may bagong isyu kay Rabiya dahil nakunan siya ng larawang kasama ang dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Andre Brouillette, Filipino-Italian.

Kanya-kanyang hula na kaya raw siguro tinanggal ni Neil ang sweet photos nila ni Rabiya ay dahil nagselos o nagalit siya sa ipinost ni Andre sa kanyang IG page na, ”Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo” sa Beverly Hills, California.

Tsinek namin ang IG account ni Andre at hindi lang pala isa o dalawa ang larawan nilang magkasama ni Rabiya dahil isa pala siya sa nag-cover ng 69th Miss Universe.

At nakarating na sa kanya ang tsikang baka siya na ang kapalit ni Neil na anim na taong karelasyon ni Rabiya.

Base sa post ng @andrebrouiletteph, ”Kung kasali kaya ako sa photo na ‘yan, mai-issue din kaya ako?  FYI. Andre is a correspondent of Empire Philippines who covered and hosted Miss Universe.

“Its only but natural to have a simple photo memory with a beautiful Miss Universe. Nag-picture lang jowa na agad?  Nasa IG story lang, sila na agad?  Pag nagpa-picture ako kay Andre, kami na?  Ganern ba yern? Kaloka!!

“Sige kain lang kau jan. Ikain niyo na rin pati chismosang mas naiintindihin nila ang pagchi-chismis kesa trabaho nila. @andrebrouillette @rabiyamateo.”

Kaya kalma sa supporters ni Rabiya dahil magkikita rin sila soon ng boyfriend niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …