Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rabiya sumobra ang kompiyansa dahil sa social media

TINANONG ng PEP Troika si Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO),  kung anong klaseng Miss Universe Philippines ang hahanapin nila for next year. At bilang isa sa organizers ng MUPO, ano ang natutunan nila sa nakaraang laban ni Rabiya Mateo?

“Lesson, will have to really teach the girl na huwag masyado mag-social media, hahaha!” Viber message ni Jonas sa PEP Troika.

Reaction ni Noel Ferrer, talent manager na kabilang sa Troika: ”True. Medyo triggered talaga si Rabiya sa mga reaksiyon at hanash sa social media.

“Well, learning never stops, marami pa rin namang puwedeng gawin sa platform ng Miss Universe Philippines lalo pa’t pandemya.

“I guess may debriefing and planning naman sila na puwede pang gawin ni Rabiya. Sana, aside from pagiging artista, magamit din niya ang pagiging teacher at ang education being her advocacy.”

Dagdag pa ng manager ni Iza Calzado”The Universe may not be hers, but who knows, sthe World, or Intercontinental or the Galaxy may be? Arriba Rabiya pa rin!!!” 

Actualy, interesado si Rabiya na pasukin ang pag-aartista. Ayon pa rin kay Jonas, may mga offer kay Rabiya pero hindi muna nila ito pinag-uusapan dahil naka-focus pa silang lahat sa Miss Universe.

Magtatagal muna si Rabiya sa Amerika para makapagbakasyon. Baka bandang July pa babalik ng bansa ang Ilongga beauty queen.

Kung decided na si Rabiya mag-showbiz, tatapusin muna nito ang kanyang reign.

Pagdedesisyonan pa ng MUPO kung September o October ang susunod na Miss Universe Philippines.

Pagkatapos ma-relinquish ni Rabiya ang kanyang crown, doon na niya haharapin ang possible offers sa showbiz.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …