Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SM Center Sangandaan dagdag vaccination site

SIMULA sa darating na Lunes, magiging karag­da­gang CoVid-19 vaccination site sa Caloocan ang SM Center Sangandaan.

Maaaring magtungo rito para magpabakuna ang mga mamamayan ng mga barangay sa South Caloocan. Sa ngayon ay A1, A2 at A3 pa rin ang priority list groups na kasama na sa mga bina­bakunahan.

Partikular na gaga­wing vaccination site ang SM Center Sangandaan Cinemas na pangunguna­han ng ating city health workers ang pagbabaku­na.

Tatanggap ng 400 slots mula Lunes hang­gang Sabado, 8am hang­gang 4pm. Paalala sa mga magpapabakuna may cellphone, kailangan mag-download ng StaySafe App para sa contact tracing ng establisiyemen­to.

Nagpapasalamat si Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pamunuan ng SM Center Sangandaan para sa tulong at suporta nito sa mass vaccination program ng lungsod.

“Maraming mara­ming salamat sa SM Center Sangandaan na hindi nag-atubiling ma­ging kaagapay natin sa programang ito. Salamat sa pagsama sa amin sa layuning mawa­kasan na ang pandemyang CoVid-19,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Ipinaaalala sa publi­ko, kung kabilang sa priority list groups na binaba­kunahan, basta nakapag-profiling/registration ay maaari nang magtungo sa vaccination site na malapit sa inyong lugar. Hindi na kailangan mag­hin­tay ng text message para sa appointment.

Maaaring magpa-profiling/registration sa inyong barangay health center o kaya naman ay sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/profilingcalv2

 (J. DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …