Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle kontrobersiyal sa Korea

WOW, biglang
kontrobersiyal
si Karylle, ang It’s Showtime host na bihira nang sumipot sa show.

At kontrobersiyal siya hindi sa Pilipinas kundi sa South Korea! Parang pang-international na ang appeal niya, kung ganoon, ‘di ba?

Eh ba’t naman doon siya naging kontrobersiyal?

Well, may kinalaman din naman sa It’s Showtime, ayon sa isang ulat sa Daily Tribune, isang dyaryong Ingles dito sa Pilipinas.

Ayon sa report ni Pauline Songco, may mga fan ang South Korean actress na si Bae Suzy na humiling na mag-apologize si Karylle dahil sa pabirong pagsasabi nito na ‘di siya natutuwa na nakikipag-date si Lee Min Ho kay Bae Suzy.

Sagot ‘yon ni Karylle sa tanong sa kanya ng ilang kapwa It’s Showtime host kung hindi siya nagseselos ‘pag nababalitaan n’yang ang mga favorite oppa (lalaking South Korean) ay nakikipag-date.

Sagot ni Karylle: ”Yes. I’m really jealous when it comes to Lee Min Ho. Let’s not mention the name of the girl because she’s the ex of one of my oppas. Then I said, you already had two of my oppas. I get jealous. Let’s just say I don’t love her.”

At ang latest ngang naka-date ni Lee Min Ho ay si Bae Suzy.

Nakarating sa South Korea ang pabirong sagot ni Karylle dahil sa Pinoy fans ni Bae Suzy na ipinost sa Korean websites ang tsika lang naman ni Karylle.

Pero sineryoso ‘yun ng ilang fans ni Bae Suzy sa South Korea, kabilang na ang ilang Pinoy.

One netizen said, ”Normalize celebs dating in the Korean entertainment industry without tagging it as a scandal or hating on them.”

Another comment said, ”‘Wag tayong ilusyonado dito sis.”

Ayon sa Daily Tribune, may nag-post din sa Twitter na: ”Apologize to Suzy Karylle.” 

Trending nga si Karylle sa Twitter nitong mga nakaraang araw, ayon pa sa naturang pahayagan.

Wala pang reaction si Karylle sa Instagram n’yang @anakarylle.

Ang inakala naming magiging kontrobersiyal ay ang naglabasang bale fake news na buntis na ito matapos ang ilang taon na n’yang paghihintay, pati na ng mister n’yang si Yael Yuzon, ang vocalist ng bandang Sponge Cola.

Alam na ngayon na fake news ‘yon dahil walang lumabas na kompirmasyon mismo mula kay Karylle o sa mister n’ya, at sa pamosang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla. 

Pati ang mga close friend ni Karylle na sina Iza Calzado at Sunshine Cruz ay ‘di binate si Karylle sa supposed pregnancy n’ya.

Kami, personally ay nirepaso ang mga post sa Instagram nina Karylle, Yael, at Zsa Zsa mula November 2020 hanggang April 2021 para maghanap ng ukol sa umano’y pagbubuntis ni Karylle. Wala kaming nabasa ni isa mang balita tungkol dito.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …