Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek Ramsay umamin kay Cristy: Ako ang nakipag-break kay Andrea

SI Cristy Fermin lang pala ang kailangang mag-interbyu kay Derek Ramsay para magtapat ang aktor na siya ang nagpasyang maghiwalay na sila ni Andrea Torres.

Nagpainterbyu ang current boyfriend ni Ellen Adarna sa radio program na Cristy Per Minute noong April 20, at sa okasyon na ‘yon ipinagtapat ni Derek ang katotohanan: siya ang nakipaghiwalay kay Andrea.

May kinalaman ang pamilya ni Andrea sa nangyari sa kanila. At sa telepono lang sila naghiwalay.

Lahad ng actor, ”Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this…’ yung problemang ‘yon, ‘yung values namin, ng isa’t isa, are not the same.

“Hindi mali ‘yung values niya, hindi mali ‘yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

“Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.

“So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.

“’So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

“’Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?’”

Ang regret lang ni Derek sa paghihiwalay nila ay, ”’Yun lang ‘yun siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.”

Dagdag na pagtatapat pa ni Derek, ”Actually, dapat magkikita kami noon. Ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect.

“Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also.”

Ang pag-amin ni Derek na siya ang kumalas at sa telepono lamang sila naghiwalay ni Andrea ang dalawa sa mga rason kaya nadagdagan ang mga nakikisimpatiya sa aktres.

Naramdaman umano nila ang matinding kirot sa puso ni Andrea dahil napakasakit para sa isang babae ang iwanan ng lalaking minamahal, at naghiwalay sila sa pamamagitan lang ng pag-uusap sa telepono.

Naging matapat si Derek sa kanyang mga sagot at pahayag, pero hindi ito tanggap ng sympathizers ni Andrea kaya hinuhusgahan at binabatikos nila ang nagpakatotoong 44-year-old actor.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …