Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon may karamdaman; Juday sobrang nag-alala

MAY karamdaman ba si Sharon Cuneta? Nag-post siya sa Instagram n’ya kamakailan na parang may mabigat siyang problema.

Mayroon nga sigurong karamdaman, kundi man may dinaramdam lang, ang megastar. Noong bumati siya sa telepono kay Regine Velasquez sa birthday celebration nito sa ASAP noong Linggo, hirap na hirap ang megastar na magsalita.

Isa si Judy Ann Santos sa matinding nabagabag sa Instagram post ni Sharon na ‘yon. Hindi lang nag-comment si Juday ng pang-aalo sa kaibigan na itinuturing n’yang kapatid kundi lihim pala siyang nagpadala sa megastar ng mga pagkain na siya mismo ang nagluto dahil isa naman ‘yon sa kinikilalang talents n’ya.

Noong Lunes, Abril 19, ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang marubdob na pagpapasalamat n’ya kay Juday dahil ilang araw na siyang ipinagluluto nito ng mga paborito niyang pagkain para sa mabilis na  paglakas at paggaling n’ya.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Sharon kung ano ang kanyang karamdaman.

Pagtatapat ni Sharon sa Instagram: ”Hindi po nya binebenta ito [ang mga pagkain]. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday para daw lumakas at gumaling ako agad! 

“Tulad ng pinakamasarap na chicken curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko. Nung isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin. 

“Mayat-maya tine-text nya ako. Nung isang araw magka-FaceTime kami.”

Giit ng megastar, iba ang pagmamahal at pagdadamayan nila ni Santos.

“Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me,” ani Cuneta.

Samantala, sa komento naman ni Juday sa post ni Sharon, hiniling nito ang agarang pagbuti ng pakiramdam ng huli.

“Feel better soon my ate… Basta kumain ka lang, I’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna… Just promise me that you will take care of yourself as well… I love you ate… I’m just here no matter what,” ani Santos.

Noong 2002 nagsama sina Judy Ann at Sharon sa pelikulang Magkapatid kaya lalo silang naging malapit sa isa’t isa.

Kung may karamdaman man si Sharon, siguradong hindi naman ito malubha. Halos araw-araw ay nakukuha pa rin n’yang mag-post sa Instagram at iba pa n’yang social media outlets. Which means masaya siya kahit paano.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …