Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jhong Hilario umayaw na sa YFSF at It’s Showtime

KAHIT mabawasan ang kita n’ya at posibleng manganib ang showbiz career n’ya, pinamayani ni Jhong Hilario ang pagiging ama n’ya sa anak n’yang si Sarina na magdadalawang buwan pa lang.

Tumigil na si Jhong sa dalawang shows n’ya sa Kapamilya Network, ang Your Face Sounds Familiar at It’s Showtime.

Hindi na siya sumipot sa studio noong April 15 na nag-resume ang live telecast ng It’s Showtime pagkatapos ng ECQ sa Metro Manila (o National Capitol Region).

Noong Sabado ng gabi naman, April 17, ipinabatid ni Jhong sa madla na nagwi-with­draw na siya bilang isa sa celebrity contestants sa YFSF.

Nag-video call siya sa show noong Sabado ng gabi. Kinausap n’ya ang show host na si Luis Manzano na nasa studio.

Pahayag ni Jhong kay Luis at sa madla, ”Nakalulungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko munang magpaalam sa ‘Your Face Sounds Familiar.’

“Mayroon kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata, hindi siya nakapagsasalita, eh.

“Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga ‘yung anak ko, eh.

“Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa ‘yun dahil mahal ko siya.”

Iniiwasan ni Jhong ang lumabas ng bahay para makasigurong ‘di siya makakuha ng pandemic virus. At ‘di man siya magkasakit, ayaw n’yang mapalayo sa anak n’ya sakaling kinailangan n’yang mag-self-quarantine kung may mag-positive sa virus ang sino man sa nakasalamuha n’ya.

Sagot naman ng bagong kasal na si Luis, ”Maiintindihan namin iyon. Mahal ka namin and sabi nga natin, always family first.

“Kaya sa ngalan ng lahat ng kasamahan ko rito sa Your ‘Face Sounds Familiar,’ nalulungkot man kami na hindi man makasama ang isang Jhong Hilario, eh, naiintindihan namin.

“We wish you the best sa newest chapter ng iyong buhay. Good luck and we will see you soon, our Sample King Jhong Hilario.”

Nagbigay din ng mensahe si Jhong sa ABS-CBN management noong nag-video call siya. Aniya, ”Gusto kong pasa­lamatan ang ABS-CBN management, ang ‘Your Face Sounds Familiar’ family dahil sa pag-iintindi nila na nag­pa­alam ako sa kanila and sinabi nila na yes, family first.

“Kaya maraming salamat po, Kapamilya. Maraming-maraming salamat po.”

Jhong has been a strong contender in Your Face Sounds Familiar since it started airing in February 2020.

Ranked number one pa nga siya noong first two weeks ng competition.

Upon Jhong’s withdrawal from the competition, seven finalists are left in Your Face Sounds Familiar.

They are Klarisse de Guzman, CJ Navato, Lie Reposposa, Vivoree Esclito, Geneva Cruz, Christian Bables, and the singing trio iDolls, composed of Matty Juniosa, Lucas Garcia, and Enzo Almario.

Your Face Sounds Familiar is now on its sixth week of competition.

Samantala, si Sarina ay kauna-unahang anak ni Jhong sa live-in partner n’ya for nine years na si Maia Leviste Azores.

 (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …