Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MECQ hindi ECQ — Marcos

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na tutol siya sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala nang sapat na kakayahan para ipatupad ito kaya’t marapat na modified enhanced community quarantine  (MECQ) na lamang ang ipatupad.

Aniya, walang silbi ang ECQ kung walang complete medical protocols katulad ng testing, contact tracing, bakuna at ang ikalawang social protection para sa lahat ng pangangai­langan.

Bukod dito, iminung­kahi ng mambabatas na hayaan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng total lockdown o EQC dahil tiyak na tukoy at magiging kontrolado nila ang lahat.

Minaliit ni Marcos ang ayudang P1,000 kada tao dahil kulang na kulang ito sa pangangailangan na lubhang apektado ng lockdown.

Aniya, kahit walang karneng baboy at manok na bibilhin ay hindi sapat ang P1,000. Hindi rin tiyak kung pera o goods ang ibibigay sa isang indibidwal.

Aminado si Marcos, lubhang marami ang nagugutom at nawawalan ng trabaho dahil sa paulit-ulit na lockdown pero wala namang nasosolusyonan.

Dahil dito, sinabi ni Marcos, dapat ipaskil ng barangay officials sa kanilang website at sa mga barangay hall ang pangalan ng mga naunang nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP), o nakinabang sa iba pang mga ayuda na ibinigay ng pamahalaan.

Anang senadora, hindi dapat umasa sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) dahil hindi sapat ang datos ng dalawang ahensiya.

Ang DSWD ay may hawak na listahan ng persons with disabilities (PWDs), Pantawid Pamliyang Pilipino Program (4Ps) samantala, ang DOLE ay mga nagtatatrabaho lamang sa mga pribadong kompa­nya.

“Paano ang mga driver, magtataho, maggugulay, at iba pang mga uri ng hanapbuhay na wala sa listahan na naapektohan ng ECQ at nawalan ng trabaho?” tanong ng mambabatas.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …