Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris tinalo ni Lugaw Queen

NADADAWIT pala si Kris Aquino sa mga huntahan sa palengke at sa mga neighborhood tungkol sa nagsisi nang “Lugaw Queen” na si Phez Raymundo.

Ilang araw din nga raw kasi na nag-viral (parang virus talaga!) si Lugaw Queen sa isang iglap. Ang ginawa lang n’ya ay nagdunong-dunungan sa pagdedeklarang hindi essential commodity ang lugaw. Idineklara n’ya ‘yon sa isang delivery man ng isang lugawan.

Kamakailan ay nagpa-video si Kris tungkol sa pagkasiphayo n’ya na lagi raw siyang naba-bash at laging kasama ang dalawang anak n’ya sa nilalait.

Nagpa-set up pa siya ng bonggang-bongga sa bahay n’ya para sa umano’y video expose n’yang ‘yon. Pinatambakan n’ya ng mamahaling mga dilaw na bulaklak ang isang bahagi ng bahay n’ya (na ang kabonggahan ay ihinalintulad sa mga set up ng interviews ng global talk show queen na si Oprah Winfrey), nagsuot siya ng dilaw ding damit, at nagpa-make up.

In fairness to Kris, ang ganda-ganda talaga n’ya sa pa-video n’ya na ‘yon.

Sadly for her, parang ‘di naman naging viral ‘yon. Wala naman kasing kahindik-hindik na bagay siyang ini-announce kundi lilipat na sila ni Bimby ng tirahan at hindi na sa Quezon City para ‘di na siya ma-link sa ex-boyfriend n’yang si ex-Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kung ang sinabi ni Kris na sa Batanes na sila lilipat mag-ina, baka nag-viral pa siya. O kaya ay sa Tawi-Tawi islands sa Mindanao.

Walang nag-Tiktok na panggagaya kay Kris. ‘Di gaya ng nangyari kay Lugaw Queen.

Oo nga pala, ‘di naman na-fire si Lugaw Queen bilang tanod sa Barangay Muson sa San Jose del Monte City.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …