Thursday , December 19 2024

Hustisya hiniling para sa kagawad na pinaslang

MARIING kinondena ng mga taga-Tañong ang pamamaslang kay dating Barangay Tañong Kagawad Ricky Legaspi.

“Nananawagan po ako sa agarang aksiyon ng pulisya upang matunton ang mga suspek sa insiden­teng ito at mabigyang tuldok ang mga karahasan na nangyayari sa ating lungsod.

“Hangad din natin ang katarungan at respeto para sa mga naulila ni Kagawad Ricky.”

Ito’y matapos tamba­ngan ng riding in tandem ang dating kagawad ng Brgy. Tañong ng nasabing siyudad kamakalawa ng hapon.

Nabatid na nagpunta ang dating kagawad na ngayon ay isang negosyante sa kanyang ipinapagawa upang magbigay ng bilin sa kanyang mga tauhan nang walang kaalam-alam na may nakaabang na palang papatay sa kanya.

Ang pinakamalaking maitutulong natin na maibibigay sa kanyang pamilya ay ang mabilis na hustisya,” ani Congresswomen Jaye -Lacson Noel ng Malabon.

Aniya, “My deepest condolences to his family. Rest In Peace, Kagawad Ricky.” (R. SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *